Tulog na..

Dear June 5,

Isang maghapon na naman ang lumipas, okay naman ang maghapon ko, smooth lang.. wala ganong stress sa work at medyo peaceful. Yung katabi ko ganun pa rin marami laging kwento hehehe! somehow, nakakatulong din yun para makalimot ako kahit papano sa mga problema (drama!) ^_^

Kanina bago ko umuwi from office nagsoundtrip muna ko at ayun nasa playlist ko ang paborito kong kantang "tulog na" ng bandang Sugarfree.. syempre bilang isang emotera naluha na naman ako! hays! sana nga pwedeng itulog na lang ng itulog yung pain eh! gustong gusto ko yung part sa song na..

Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na…

Tulog na mahal ko
Nandito lang akong bahala sa iyo
Sige na, tulog na muna
Tulog na mahal ko
At baka bukas ngingiti ka sa wakas
At sabay natin haharapin ang mundo..


Sana nga ganun eh! na baka bukas ngingiti ka sa wakas.. hindi naman ako dapat mag emote ngayon eh kaso ayun narinig ko na naman ang kantang to kaya yan.. emote emote! weeee! 

Sana katulad na lang din tayo ni buchay, walang problema.. ang sarap ng buhay.. patulog tulog lang.. hehehe!


By the way, share ko lang sainyo yung version nya ng tulog na.. nakakarelax.. ganda ng boses!


Goodnight po and God Bless! 

Thank you Lord sa panibagong araw na pinagkaloob mo po sakin.. ^_^

Thoughts to ponder :

"Whatever life gives you, even if it hurts you, just be strong and act like you're okay. Remember: Strong walls shake but never collapse."


Always,
Bhie ^_^

Dear Bhie



Dear Bhie,

  Kumusta na ang peg mo? hmmmm! for sure maganda ka pa rin!(echos!), Nakakangiti ka na ba ng naaayon sa puso mo? ahahahay! parang hindi pa rin ha! sumulat ako sayo para ipaalam na kailangan mo rin akong mahalin! uhmmm! I mean, bigyan mo din ako ng importansya puro ka na lang kasi pag-intindi sa iba nakakalimutan mo na ko. (tampo -_- mode) Ilang years na tayong magkasama pero hindi ka pa rin natututo! palagi ka pa ring nakadepende sa kasiyahan ng iba bago mo pasiyahin ang sarili mo tapos pag pinabayaan ka iiyak ka lang at sinong hindi napapagod samahan ka diba ako? wahhhhh! nakakatampo ka na talaga! hmmmp! naaalala mo lang ako paghaharap ka sa camera tapos magseselfie ka gamit ang camera 360! hehehe! pero seryoso muna tayo, naiinis na ko sayo, hindi ka na nakikinig sakin.. ang tigas ng ulo mo! kailan mo ba isasaksak sa kokote mo na ang tao nagbabago, hindi laging nandyan ang mga taong inaasahan mo na lagi kang sasamahan, pag nanawa sila sa mga sitwasyon na hindi sila nakikinabang iiwan ka din nila! at kahit pa sabihin nilang andyan lang sila para sayo naniniwala ka pa rin ba? kahit sa totoo naman eh hindi mo naman talaga sila maramdaman? gising! gising ka na! matuto ka ng ibukod ang totoo sa mga nagpapanggap lang! matuto kang unahin ang sarili mo bago sila, tama na ang pagiisip mo sa kanila kasi hindi ka naman nila priority, mas priority nila ang pride nila! tama na ang pag-alala sa mga masasayang nakaraan kung saan kasama mo sila pero ngayong nasa dilim ka ni hindi ka naman nila masamahan.. bangon ka na! wala ng mangyayari sayo kung palagi ka na lang aasa na isang araw mamahalin ka din nila.. bago mo sila asahang mahalin ka, mahalin mo muna ako! nandito lang ako inaantay ka lang na magising sa pagkakaidlip mo! Ang ganda ng buhay alam mo ba yun? bakit mo nagawang pabayaan ako? kung titingnan mo lang sana ang bawat segundong buhay ka pa matututunan mong pahalagahan ako.. hindi ba lagi mong sinasabi sakin na magdasal lang tayo matatapos din yan.. aanhin mo ang pagdadasal kung di mo naman isasabuhay? hay naku sakit ka ng ulo! sana sa sulat kong to maisip mo na lahat ng hinihimutok ko sayo! sana maisip mo ko.. smile na.. ang pangit mo kaya pag sibangot! hehehe! hanapin mo ang hapiness mo okey? wag kang magpakalugmok sa kalungkutan di ka matutulungan nyan! magpasalamat ka sa Diyos at mas mapalad ka pa sa ibang halos wala ng makitang pag-asa.. wag mo kong sayangin, mahalin mo ko!

P.S.
Sana makita na kitang masaya, yung totoong masaya! at sana wag ka ng umiyak ha! aayos din ang lahat ok? God Bless! :)

Always,
Self

Being good..


Dear June 4,

First Entry kita sa blog ko, uhmmm after so many years ngayon na lang uli ako tinoyo para magblog, hindi na nga ako sanay.. ikaw na ngayon ang kasama ko sa mga crying days at sa mga happy moments. Ikaw na uli ang kakausapin ko kapag wala akong masabihan at babalik balikan ko kapag gusto kong alalahanin ang mga magagandang araw na dumating sakin. Lately, marami akong naranasang pain, maraming changes, maraming nawala. Maraming what if?, If I could, used to be, at mga regrets. Maraming lungkot, maraming sakit, sacrifices at luha.. pero every day na didilat ang mata ko sa umaga, marami pa rin akong dapat ipagpasalamat.. hindi kami gutom, may trabaho ako, may iyah, wala akong sakit at nakakaraos naman. Sa lahat lahat isang bagay ang pinakanatutunan ko.. yun yung magbaba ng ego, kasi pag hinayaan natin na mataas ang pride natin lalamunin tayo nyan hanggang sa marami ng masisirang samahan kasi hindi na natin alam kung pano magpakababa, humingi ng kapatawaran at magpatawad. Kung minsan sa sobrang saya natin nakakalimutan na natin isipin ang ibang tao, nakakalimutan na nating alalahanin ang damdamin ng iba hanggang sa makasakit na tayo at dahil sa ego natin hindi natin matanggap na may pagkukulang tayo at may pagkakamali, hangga't masaya tayo wala na tayong pakialam sa mga taong napapaluha natin. Naalala ko yung sinabi ng father ni miggy sa movie na It Takes a Man and a Woman..

“Minsan sa kagustuhan nating maging magaling, nakakalimutan nating maging mabuti.” (Sometimes in our desire to be the best, we tend to forget to be a good man.)


"Sometimes being the best means being the least. Be good even after you make a mistake."


Minsan kasi yung ego natin gusto tayong maging best, gusto napakagaling natin kahit na nakakalimutan na nating maging good, na maging mabuti.. Minsan kahit magbaba ng pride di natin magawa para mapabuti ang lahat kasi mas gusto natin na tayo ang tama, na sila ang mali. HIndi naman kailangan na may nagkamali para mapatunayang tayo yung tama eh! minsan hindi natin nakikita yung sampung tamang nagawa ng iba kasi nakafocus tayo sa pagkakamali nila. Hindi natin makalimutan na ginawan tayo ng pagkakamali kahit pa ang daming ginawang kabutihan satin at dahil nga kasi gusto natin tayo ang tama hindi na natin nakikita ang sarili nating pagkakamali, sarado na tayo sa paghingi ng kapatawaran at kung minsan kahit pa hingan tayo ng tawad hindi natin tinatanggap kasi hindi natin maalis sa puso natin na minsan sa buhay natin ginawan tayo ng kamalian. 

Sorry June 4! kinda emote ang entry ko sayo.. ganun talaga pag may pinagdadaanan hehehe! Sana sa anniversary ng blog na to next year, pagsusulat na ulit ako sayo June 4, ok na lahat.. nakalampas na ko sa pag eemote kong to hehe! :D 

Nga pala.. Basang basa kami kanina umuwi huwaaaaa! nakalimutan magdala ng kapote at nakalimutang tag-ulan na hihi! pero thankful pa rin ako kay Lord kasi nakauwi kaming safe, kahit basang basa hindi din kami nagkasakit.. thank you Lord! :) 


A thoughts to ponder :

"When you've done something WRONG, ADMIT it and be SORRY. No one in history has ever choked to death from swallowing his PRIDE."


Always,

Bhie ^_^

Search This Blog

 
Honey Bhie